Aktibong kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City, nasa 129
Napaulat ang 21 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:08 Martes ng hapon (January 12), 6,087 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 129 ang aktibong kaso.
Wala namang itinuturing na probable case habang 128 ang suspected cases kung saan 26,129 ang cleared na.
Nasa 13 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 5,779 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
Samantala, 179 na ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.