Halaga ng naibigay na Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2, umabot na sa P368-M
Inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pinakahuling datos ukol sa implementasyon ng Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2 o ang Bayanihan to Recover as One Act.
Sa datos hanggang 8:00, Lunes ng gabi (January 11), umabot na sa 69,935 na pamilyang benepisyaryo sa granular lockdown ang nabigyan ng ayuda.
Dahil dito, umabot na sa higit P368 milyon ang naipamahagi ng kagawaran.
Samantala, higit P2.1 bilyon naman ang naipamahagi sa 315,737 na karagdagang benepisyaryo.
Tiniyak ng DSWD na patuloy pa rin ang pamamahagi ng Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.