Mountain Province Governor patay sa atake sa puso

Leonard Mayaen
FB photo

Dead-on arrival sa Notre Dame Hospital a Baguio City si Mountain Province Governor Leonard Mayaen.

Sinabi ng kanyang may-bahay na si Ginang Sonia Gawe Mayaen na dumanas ng massive heart attack ang opisyal habang nasa Capitol Building sa bayan ng Bontoc pasado alas-dose ng tanghali kanina.

Kinailangan pa nilang maghanap ng helicopter bago nailipat ng pagamutan si Mayaen at kanilang alas-tres ng hapon ay idineklara siyang patay pagdating sa pagamutan.

Si Mayaen na isang re-electionist ay walang kalaban sa darating na eleksyon sa May 9.

Nauna siyang naglingkod bilang Board Member ng Mountain Province na sinundan ng dalawang termino bilang Vice-Governor.

Si Governo Mayaen ay nahalal bilang pinuno ng lalawigan noong 2010.

Dahil sa kanyang pagkamatay ay pansamantala munang hindi itutuloy ang province-wide Lang-ay Festival.

Read more...