Binabantayang LPA sa Mindanao, mababa ang tsansa na maging bagyo – PAGASA

Photo credit: DOST PAGASA website

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) at dalawa pang weather system sa bansa.

Ayon kay PAGASA weather specialist Benison Estareja, huling namataan ang LPA sa layong 160 kilometers Timog-Silangan ng General Santos City dakong 3:00 ng hapon.

Mababa pa rin aniya ang tsansa na lumakas ito at maging bagyo.

Sa susunod na 48 oras, maaari aniyang malusaw ang LPA habang nasa bahagi ng Sulu archipelago.

Umiiral pa rin aniya ang Northeast Monsoon o Amihan sa parteng Luzon at Tail-end of a Frontal System sa parte naman ng Visayas.

Sinabi pa ni Estareha na mababa ang tsansa na magkaroon ng panibagong weather system o bagyo sa bansa ngayong linggo.

Read more...