Kim Wong isinuko na sa AMLC ang $4.6 Million na bahagi ng dirty money

By Den Macaranas March 31, 2016 - 04:52 PM

bsp-bangko-sentral-ng-pilipinasPersonal na nagpunta sa tanggapan ng Anti-Money Laundering Council si Atty. Inocencio Ferrer, abogado ng negosyanteng si Kim Wong dala ang $4.6 Million na bahagi ng $81 Million na laundered money na kasalukuyang iniimbestigahan ng Senado.

Nauna nang inutusan ng Senate Blue Ribbon Committee ang AMLC na siyang maging caretaker ng nasabing pera.

Sa pagdinig ng Senado ay sinabi rin ni Kim na ibabalik niya ang P450 Million na ibinayad sa kanya ni Sua Hua Gao na isa sa mga sinasabing nagpasok sa bansa ng naturang dirty money.

Sa panayam ng Media, sinabi ni Ferrer na binigyan siya ng seguridad ng AMLC kaya maayos na nakarating sa Bangkose Sentral ang nasabing pera.

inabot din ng tatlong oras sa pagbibilang at pag-verify sa kondisyon ng mga dalang dolyar ni Ferrer ang mga tauhan ng AMLC at pasado alas-sais ng gabi kanina ay ibinigay rin sa nasabing abogado ang resibo na magpapatunay na nasa custody na nila ang bahagi ng ninakaw na salapi ng Bangladesh Central Bank.

Naniniwala rin ang nasabing abogado na walang pananagutan sa batas si Kim dahil biktima rin siya dito ng kanyang mga ka-transaksyon sa Casino bukod pa sa isinauli niya ang perang nasa kanyang pangangalaga.

 

 

TAGS: AMLC, Bangko Sentral, Kim Wong, AMLC, Bangko Sentral, Kim Wong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.