Hermosa Sanitary Landfill sa Bataan lumabag sa enviromental laws, pinagmulta

By Jan Escosio January 12, 2021 - 04:38 PM

Pinagmulta ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng P150,000 ang operator ng isang sanitary landfill facility sa Hermosa, Bataan dahil napatunayan ang paglabag sa enviromental laws.

Base sa 17-pahinang resolusyon na inilabas ng DENR – Enviromental Management Bureau, malinaw ang paglabag ng Econest Waste Management Corp. nang magtapon ito ng hazardous waste sa Mambog Creek, na ang tubig ay dumadaloy sa Manila Bay.

Magugunita na Pebrero noong nakaraang taon nang magpalabas si Hermosa Mayor Jopet Inton ng temporary closure order laban sa Econest.

Nabahala ang alkalde dahil sa patong-patong nang paglabag sa mga batas-pangkalikasan ng nabanggit na pasilidad.

Lumabas sa ikinasang imbestigasyon ng EMB na walang valid discharge permit at hazardous waste generator registration certificate ang Econest.

Bukod sa multa, inatasan din ng EMB ang Econest na magsagawa ng malawakang rehabilitasyon sa napinsalang kapaligiran para maibalik ito sa dating kondisyon.

TAGS: DENR, Econest Waste Management Corp., Hermosa Sanitary Landfill, Inquirer News, Mambog Creek, Radyo Inquirer news, violation on enviromental laws, DENR, Econest Waste Management Corp., Hermosa Sanitary Landfill, Inquirer News, Mambog Creek, Radyo Inquirer news, violation on enviromental laws

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.