BREAKING: Bilang ng nasawi sa Pilipinas dahil sa COVID-19, lagpas 9,500 na

Mahigit 1,500 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (January 12), umabot na sa 491,258 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 23,532 o 4.8 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,524 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

85.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.5 porsyento ang asymptomatic; 0.54 porsyento ang moderate; 3.2 porsyento ang severe habang 5.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 139 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 9,554 o 1.94 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 44 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 458,172 o 93.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...