Global death toll bunsod ng COVID-19, umakyat na sa 1.95 milyon

Pumalo na sa halos 1.95 milyon ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 1,952,976 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 385,249.

Sumunod na rito ang Brazil na may 203,617 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 151,364 naman ang death toll sa India habang 134,368 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 81,960
– Italy – 79,203
– France – 68,060
– Russia – 62,273
– Iran – 56,262
– Spain – 52,275

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 91,319,487 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 65,316,471 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...