Deguito at Torres kinasuhan na ng RCBC

By Den Macaranas March 31, 2016 - 03:41 PM

Deguito1
Inquirer file photo

Kinasuhan ng Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) ang kanilang mga dating tauhan na sina Jupiter brach manager Maia Santos-Deguito at dating senior customer service officer Angela Torres.

May kaugnayan ang kasong falsification of documents at breach of precedures na isinampa sa Makati Regional Trial Court sa umano’y pagsasabwatan ng dalawa sa pagbubukas ng isang dollar account gamit ang pangalan ng negosyanteng si William So Go.

Noong isang linggo ay sinibak na rin sa kanilang mga trabaho sina Deguito at Torres

Ipinaliwanag ni RCBC Legal and Regulatory Group head Atty. Macel Fernandez-Estavillo na nilabag nina Deguito at Torres ang ilang bank policies, procedures at falsification of public documents.

Nauna nang nadiin ang nasabing mga dating opisyal ng RCBC sa ginawang pagdinig ng Senado sa $81 Million money laundering scam na kinasasangkutan ng pera mula sa Bangladesh Central Bank.

Samantala, nagsampa rin ng kahalintulad na kaso sa hukuman ang negosyanteng si William So Go dahil sa pagkakasabit ng kanyang pangalan sa nasabing kontrobersiya.

TAGS: Bangladesh, Deguito, Money Landering, RCBC, So GO, Torres, Bangladesh, Deguito, Money Landering, RCBC, So GO, Torres

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.