Information drive para sa covid-19 vaccine dapat nang isagawa ng gobyerno

Dapat nang simulan ng gobyerno ang malawakang information campaign para sa COVID-19 vaccine.

Ito ang iginiit ni House Deputy Speaker Neptali “Boyet” Gonzales II.

Ngayon aniya ang tamang panahon para maliwanagan ang taumbayan sa katotohanan at maialis ang mga maling paniniwala at maling impormasyon patungkol sa safety at efficacy ng bakuna.

Paliwanag nito, dapat na samantalahin ng Department of Health (DOH) ang paglulunsad ng educational campaign drive para bigyang kaalaman ang publiko sa COVID-19 vaccine habang nasa yugto pa ang bansa ng paghihintay sa pagdating ng bakuna.

Naniniwala ang mambabatas na mababalewala lamang ang bilyun-bilyong pisong inilaan ng gobyerno para sa COVID-19 vaccine kung ang karamihan naman sa mga Pilipino ay ayaw magpabakuna dahil sa takot bunsod ng kawalan ng impormasyon at kaalaman sa advantages kapag nabigyan nito.

Dagdag pa ng kongresista, kapag ginawa ang information drive sa COVID-19 vaccine ay tiyak na makakamit ng pamahalaan ang target na herd immunity at mas malaki ang tsansang makabalik agad ang bansa sa normal.

 

Read more...