Portugal President Marcelo Rebelo de Sousa positibo sa covid-19

By Erwin Aguilon January 12, 2021 - 08:34 AM
Reuters

 

Nagpositibo sa covid-19 si Portugal President Marcelo Rebelo de Sousa.

Ayon sa ulat ng Reuters, walang anumang ipinapakitang sintomas ng corona virus ang 72-taong gulang na lider.

Inabisuhan na ng tanggapan ni Rebelo de Sousa si Prime Minister Antonio Costa at Health Minister Marta Temido sa kalagayan nito.

Nakasaad sa statement na sasailalim sa self-isolation ang nasabing opisyal sa kanyang official residence sa Lisbon.

Nauna nang nagnegatibo sa covid-19 test si Rebelo de Sousa matapos itong magkaroon ng direct contact sa isang tinamaan ng sakit.

Si Rebelo de Sousa ay tumatakbo para sa kanyang ikalawang termino bilang president ng Portugal sa eleksyon na gaganapin sa January 24.

Dahil dito, kanselado na ang lahat ng public appearance nito, kabilang na ang presidential debate at pulong sa mga health experts upang pag-usapan ang planong lockdown sa Portugal.

 

 

TAGS: COVID-19, Potugal President Marcelo Rebelo de Sousa, COVID-19, Potugal President Marcelo Rebelo de Sousa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.