Mindanao uulanin dahil sa Low Pressure Area ngayong araw

Isang namumuong sama ng panahon ang binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA sa bahagi ng Mindanao.

Ayon sa PAGASA, magdadala ng maulap na papawirin at kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Mindanao dahil sa low pressure  area (LPA).

Huli itong namataan sa layong 170 kilometers timog-silangan ng General Santos City.

“Sa buong Mindanao mararanasan ang maulap na kalangitan may kalat-kalat na pag-ulat at mga pagkidlat at pagkulog. ‘Yan ay epekto o dulot ng LPA na nasa timog-silangan ng Mindanao,” sabi ni PAGASA weather specialist Meno Mendoza.

Posible ayon kay Mendoza na maging isang tropical depression ang nasabing LPA pero maaring malusaw din sa sususnod na 24 hanggang 36 na oras.

Samantala, magdadala naman ng maulap na papawirin at bahagyang pag-ulan ang northeast monsoon sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region at Western Visayas.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may isolated rains ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.

“Patuloy pa ring nakakaapekto ang northeast monsoon o amihan dito sa buong Luzon. Ito ang malamig na hangin nagdadala ng malamig na panahon sa buong Luzon,” dagdag ni Mendoza.

Narito ang pagtaya ng temperatura sa buong bansa ngayong araw:

Metro Manila: 22 to 28 degrees Celsius
Baguio City: 11 to 22 degrees Celsius
Laoag City:  19 to 28 degrees Celsius
Tuguegarao: 17 to 26 degrees Celsius
Legazpi City: 24 to 26 degrees Celsius
Puerto Princesa City: 26 to 30 degrees Celsius
Tagaytay: 18 to 26 degrees Celsius
Kalayaan Islands: 24 to 28 degrees Celsius
Iloilo City: 22 to 28 degrees Celsius
Cebu: 24 to 28 degrees Celsius
Tacloban City: 24 to 26 degrees Celsius
Cagayan De Oro City: 24 to 29 degrees Celsius
Zamboanga City: 24 to 34 degrees Celsius
Davao City: 24 to 29 degrees Celsius

 

Read more...