Isang PWD na hinostage sa Palawan, nasagip ng PNP
Ligtas na nasagip ng mga awtoridad ang isang 22-anyos na person with disability (PWD) na hinostage sa Palawan, Linggo ng hapon.
Ayon sa Philippine National Police Public Information Office, sa kasagsagan ng rescue operation, nabaril ang nag-amok na si Bernard Cortez Adial, 48-anyos na residente ng Quezon, Palawan.
Idineklarang dead on arrival si Adial nang dalhin sa Quezon Medicare Hospital matapos magtamo ng tama ng bala ng baril sa kaniyang leeg.
Nagtamo naman ng sugat ang biktima sa kaniyang siko dahil sa hostage-taking incident bandang 5:30 ng hapon.
Base sa ulat na nakarating sa PNP Command Center sa Camp Crame, sinabi ni PNP Chief Police General Debold Sinas na inalerto ang Municipal Police Station sa Quezon, Palawan ni Barangay Chairman Glendy Cacho ukol sa nasabing insidente sa Barangay Isugod.
Sa pagdating ng mga pulis, tumakbo umano si Adial sa tirahan ng kapitbahay at dito nakuha ang biktima na si Shiela Mae Nadoy Saban.
Napag-alaman ng mga imbestigador na si Adial ay hindi nakakain at nakatulog nang dalawang araw bago ang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.