Bilang ng pulis na nagpositibo sa COVID-19, higit 9,300 na

Aabot sa 29 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Lunes ng gabi (January 11), 9,306 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 334 ang aktibo pang kaso.

21 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 8,944 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 28 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...