Mga senador, dapat maging open-minded sa economic Cha-Cha

By Erwin Aguilon January 11, 2021 - 06:18 PM

Hiniling ni House committee on Constitutional Amendments Chairman Alfredo Garbin Jr. na maging open-minded ang mga senador sa panukalang amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution.

Ayon kay Garbin, long overdue na ang economic charter change dahil matagal na itong panawagan at umani na rin ng suporta.

Makatutulong aniya ang isinusulong na amyenda para makahikayat ng foreign investments.

Paliwanag pa nito, ang pagsingit ng katagang ‘unless otherwise provided by law’ sa restrictive provisions ay magbibigay ng flexibility sa Kongreso na baguhin ang restrictions kung kinakailangan para sa ekonomiya.

Sabi ng kongresista, ang bahagyang pagbabago sa Saligang Batas ay makatutulong para makahatak ng investments at makalikha ng maraming trabaho na kailangan sa pagbangon ng ekonomiya mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Positibo si Garbin na magtatagumpay ang economic Cha-Cha kung magiging bukas lamang ang Senado at sasang-ayon sa ilang pagbabago na isinusulong ng mga mambabatas.

Pinawi rin nito ang pangamba ng ilang senador na baka lumawak ang amyenda kapag nasimulan ang economic Cha-Cha, dahil mismong si Speaker Lord Allan Velasco anya ang nagbigay ng katiyakan na ang economic provisions lang ng Konstitusyon ang gagalawin.

TAGS: 18th congress, charter change, economic charter change, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Alfredo Garbin Jr., 18th congress, charter change, economic charter change, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Alfredo Garbin Jr.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.