Sanib-pwersa ang Bureau of Customs NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa ginawang controlled delivery operation.
Matapos ang matagumpay na intelligence operation, naaresto sina Van Joshua Magpantay at Johnyengle Hernandez sa isang vape shop sa Lipa City.
Dumating ang parcel sa pamamagitan ng Fedex Pasay City.
Ipinadala ito ng isang Nina Manual mula California, USA at unang idineklara bilang “musical instruments.”
Naka-consign ang parcel sa isang “Dimitria Escalona” sa Batangas.
Lumabas sa x-ray scanning at physical examination ng BOC personnel, katuwang ang PDEA, na naglalaman ito ng 500 gramo ng high-grade marijuana o kush.
Ang nahuling claimants at ilegal na droga ay nasa custodial investigation ng PDEA para sa criminal charges dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Section 1401 ng Customs Modernization and Tariff Act.