Tripartite Agreement sa pagbili ng bakuna, nilagdaan na ng Maynila
Opisyal nang lumagda, araw ng Linggo, si Manila Mayor Isko Moreno sa isang Tripartite Agreement para sa inisyal na pagbili ng bakuna laban sa COVID-19 sa AstraZeneca Pharmaceutical Philippines.
Ito ay matapos ang huling technical meeting ni Mayor Isko Moreno sa mga opisyal ng AstraZeneca na dinaluhan din ng mga kinatawan ng IATF at Department of Health.
Nauna rito, nagpasa ng isang resolusyon ang Manila City Council noong Lunes, January 4, na nagkakaloob ng kapangyarihan kay Mayor Isko Moreno na lumagda sa isang kontrata ng pagbili ng bakuna.
P250 milyon ang inisyal na pondo na pambili ng bakuna ng Lungsod ng Maynila ngunit may nakahanda pa itong karagdagang P1 bilyon para pambili ng bakuna sa ibang pharmaceutical company.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.