Amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas kailangan para sa mabilis na internet connection

By Erwin Aguilon January 11, 2021 - 11:15 AM

Tiwala si House Deputy Speaker Bernadette Herrera na kailangan ang pag-amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution upang mapabilis at maging abot-kaya ang internet  sa bansa.

Ayon kay Herrera, nakita ngayong panahon ng pandemya ang kahalagahan ng mura, mabilis at stable na mobile at internet connections.

Pero hindi aniya ito ang sitwasyon sa bansa dahil sa kawalan ng kompetisyon ng dalawang naghaharing telecommunications company kaya wala ring mapagpilian ang mga Pilipino kundi magtiis sa mahal at mabagal na internet connection.

Sabi ng mambabatas, ang pagpasok ng mga dayuhang kumpanya sa bansa sa pamamagitan ng pagrelax sa ilang mga government policies ay makakatulong para sa pagpapaunlad ng kalidad ng mga produkto, serbisyo, at magbibigay sa mga consumers ng mas maraming mapagpipilian at mapapanatiling abot-kaya ang presyo.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, limitado sa  40% ang foreign ownership ang pagmamay-ari ng mga public utilities tulad ng telcos at 60% naman para sa mga Filipino citizens o korporasyon.

TAGS: Bernadette Herrera-Dy, Cha-Cha, COVID-19, Internet, pandemic, Bernadette Herrera-Dy, Cha-Cha, COVID-19, Internet, pandemic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.