Apat patay sa pamamaril sa Laguna

By Erwiin Aguilon January 11, 2021 - 10:57 AM

Apat ang nasawi kabilang ang isang sinasabing sangkot sa kalakalan ng iligal na droga makaraang pagbabarilin sa Biñan City, Laguna.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Giovanni Martinez, hepe ng  Biñan City Police ang mga nasawi na sina James Anthony Alon-alon, 40 anyos na residente ng Barangay dela Paz,  Biñan City at sinasabing lider ng isang drug gang sa lungsod, Jason Mangahis, Carlo at Custer Tanael.

Lumalabas sa imbestigasyon na naaresto na noong 2018 si Alon-alon sa Sta. Rosa City dahil sa kasong may kinalaman sa iligal na droga pero pinawalang-sala ng korte.

Naganap ang insidente dakong 11:45 ng gabi ng Linggo sa loob ng isang tarpaulin printing and auto shop sa Barangay San Vicente.

Lumusob sabi ni Martinez ang tinatayang nasa walong lalaki sa lugar at pinagbabaril ang mga biktima.

Isinugod pa ang mga ito sa ospital pero namatay din.

Matapos ang insidente ay kaagad namang tumakas ang mga suspek patungo sa hindi pa mabatid na direksyon.

Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente

TAGS: iligal na droga, laguna, Pamamaril, patay, iligal na droga, laguna, Pamamaril, patay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.