Debate sa charter change target matapos ngayong 2021 – Speaker Velasco

By Erwin Aguilon January 11, 2021 - 09:02 AM

Target ng Kamara na isabay sa 2022 presidential elections ang ratipikasyon sa mga amyenda sa 1987 Constitution.

Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, inaasahan nila na matatapos  ang debate sa cha-cha bago matapos ang 2021.

Tinitiyak din nito na na magiging transparent at patas ang debate sa inihaing Resolution of Both Houses (RBH) 2.

Mahalaga aniyang samantalahin ang pagkakataon para sa “fully recovery” ng ekonomiya ng bansa sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Hindi aniya dapat pabayaan na mapagiwanan ang bansa pagdating sa pamumuhunan at mga oportunidad lalo pa’t unti-unting nagbubukas na ang global economy.

Sa araw ng Miyerkules, ipagpapatuloy ng House Committee on Constitutional Amendments ang pagtalakay sa pag-amyenda sa restrictive economic provisions ng Saligang Batas.

TAGS: Cha-Cha, debate sa chacha, Kamara, ratipikasyon sa cha-cha, velasco, Cha-Cha, debate sa chacha, Kamara, ratipikasyon sa cha-cha, velasco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.