BREAKING: Mga gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas, nasa 458,198 na

Nasa halos 2,000 muli ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Linggo (January 10), umabot na sa 487,690 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 20,087 o 4.1 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,906 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

83.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.8 porsyento ang asymptomatic; 0.63 porsyento ang moderate; 3.7 porsyento ang severe habang 6.8 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa walo naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 9,405 o 1.93 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 8,592 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 458,198 o 94.0 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...