LOOK: Sitwasyon sa Quiapo Church kasabay ng Pista ng Itim na Nazareno

By Angellic Jordan January 09, 2021 - 12:05 PM

Manila PIO photo

May ilang deboto pa rin ang bumisita sa Quiapo Church para sa Pista ng Poong Itim na Nazareno.

Batay sa larawan mula sa Manila Public Information Office (PIO), makikita na sumusunod sa physical distancing ang mga debotong dadalo sa misa.

Manila PIO photo

Tanging 400 deboto lamang ang pinapayagang makapasok ng simbahan dahil sa quarantine rules.

Batay sa monitoring ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office bandang 9:34 ng umaga, humigit-kumulang 22,000 deboto ang nasa bahagi ng Quiapo Church.

Makikita pa sa larawan na nagsasagawa ng disinfection sa Quiapo Church kada tapos ng misa alinsunod sa public health protocols.

Manila PIO photo

Narito naman ang naging sitwasyon sa isinagawang misa sa San Sebastian Church:

Manila PIO photo

Kinansela ngayong 2021 ang tradisyunal na Traslacion dahil sa banta ng COVID-19.

TAGS: Feast of the Black Nazarene 2021, Inquirer News, Itim na Nazareno, Pista ng Itim na Nazareno 2021, Quiapo Church, Radyo Inquirer news, Traslacion 2021, Feast of the Black Nazarene 2021, Inquirer News, Itim na Nazareno, Pista ng Itim na Nazareno 2021, Quiapo Church, Radyo Inquirer news, Traslacion 2021

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.