Higit 100 residente sa Negros Occidental, inilikas

PCG photo

Inilikas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mahigit 100 residente sa Negros Occidental, Sabado ng madaling-araw (January 9).

Ayon sa PCG, ni-rescue ang 115 residente mula sa Talisay City at Victorias City.

Nakaranas kasi ng pagbaha sa nasabing lugar dulot ng malakas at tuluy-tuloy na buhos ng ulan.

Dahil dito. Pansamantalang dinala ang mga residente sa Catabla Covered Court at Victorias City Mall upang mabigyan din ng dagdag na tulong mula sa lokal na pamahalaan.

PCG photo
Read more...