Global death toll bunsod ng COVID-19, umakyat na sa 1.92 milyon

Pumalo na sa halos 1.92 milyon ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 1,922,100 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 378,149.

Sumunod na rito ang Brazil na may 201,542 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 150,835 naman ang death toll sa India habang 132,069 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 79,833
– Italy – 77,911
– France – 67,431
– Russia – 60,911
– Iran – 56,018
– Spain – 51,874

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 89,356,726 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 64,009,522 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...