Kongreso dapat maglatag ng timeline sa cha-cha ayon kay Rep. Salceda

By Erwin Aguilon January 08, 2021 - 04:42 PM

Iginiit ni House Ways and Means Chairman Joey Salceda na kailangang maglatag ang Kongreso ng timeline para sa isinusulong na charter change.

Ayon kay Salceda, nababawasan ang panahon para sa pagsusulong nito dahil sa mahigpit na proseso na kailangang pagdaanan.

Dapat anyang maisulong at maisakatuparan ang amyenda sa economic provisions bago pa man ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa Oktubre.

Kung si Salceda na isa ring ekonomista ang tatanungin ay pabor siya na luwagan ang restrictions sa ekonomiya sa mga dayuhan.

Ang paghihigpit aniyang ito ang naging dahilan kaya naungusan na tayo sa national development ng mga kalapit na bansa tulad ng Vietnam, Thailand at Malaysia.

Kung patuloy naman aniyang nakatali ang kamay ng bansa sa mahigpit na foreign ownership ay tiyak na mahihigitan na tayo ng Myanmar at Cambodia.

Dagdag pa ni Salceda, dahil sa restrictions ay nagdulot lamang ito ng paglawak ng monopolies at oligopolies sa ekonomiya at nagbigay lang ng katiting na pagunlad sa bansa.

TAGS: Cha-Cha, Congress, salceda, Cha-Cha, Congress, salceda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.