Aplikasyon para sa Phase III clinical trials sa Pilipinas binawi na ng Gamaleya; pagkakaroon ng EUA hihilingin

 

Binawi  na ng Russian Drug Manufacturer na Gamaleya Research Institute ang kanilang aplikasyon para sa pagsasagawa ng Phase III clinical trials sa Pilipinas.

Ayon kay Department of Science and Technology Usec. Rowena Guevara, sa halip na magkaroon ng clinical trial mas nais na ngayon ng Sputnik V covid-19 vaccine manufacturer na magg-apply para sa emergency use authorization sa Food and Drugs Administration.

“Napakasimple ng rason nila: mag-aaply na sila ng EUA kaya hindi na sila magki-clinical trial dito,” saad ni Usec. Guevara.

Inaasahan ng DOST na ngayong araw o bukas ay makapagsumite na ng aplikasyon para sa EUA ang Gamaleya.

Sa ilalim ng dapat sana ay Phase III clinical trials, susubukan ang kaligtasan at efficacy ng bakuna sa 300 hanggang 3,000 mga volunteers sa bansa.

Sa ngayon mayroon ng EUA  ang Gamaleya sa Russia, Argentina, and Belarus.

 

Read more...