Mga lalabag sa safety protocols sa pista ng Nazareno aarestuhin
Binalaan ni Manila Police District Director Police Brigadier General Leo Francisco na aarestuhin ang mga lalabag sa ipinapatupad na safety protocols sa pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila.
Ayon kay Francisco, mayroong mga bus mula sa Bureau of Jail Management and Penology na ipakakalat lugar upang maging pansamantalang piitan ng mga mahuhuli.
Marami anya ang mga nakakalat na pulis sa lugar upang magbantay at magpatupad ng protocols.
Pagsasabihan sabi ng opisyal ang mga deboto na panatilihin ang physical distancing dahil sa panganib pa rin ng covid-19.
Iginiit nito na kapag hindi mapagsabihan at pasaway ang mga deboto ay mapipilitan silang arestuhin.
Ipinagbabawal din sa pista ang hindi pagsusuot ng sapin sa paa.
Bawal din magtungo sa lugar ang mga bat ana edad 16 pababa at matatanda na magigit 65 taong gulang base na rin sa guidelines ng IATF.
Nauna nang sinabi ng MPD na aabot sa 6,000 pulis ang kanilang ipakakalat sa okasyon bukod pa ang mga force multipliers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.