Pagtalakay para amyendahan ang Saligang Batas hindi sayang sa oras at pera – Rep. Garbin

By Erwin Aguilon January 08, 2021 - 10:04 AM

 

Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr. (Photo from Facebook account of Ako Bicol )

 

Ipinagtanggol ni House Committee on Constitutional Amendments Chairman at Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr. ang hakbang ng Kamara na talakayin ang panukalang pag-amyenda sa economic provision ng 1987 Constitution.

Ayon kay Garbin hindi pag-aaksaya ng oras at pera ang kanilang gagawin kahit  nasa gitna ng covid-10 pandemic ang bansa.

Paliwanag nito, ang epekto ng covid-19 pandemic sa ekonomiya ng bansa ay nagpapakita lamang ng kahalagahan ng amyenda sa “restrictive” economic provisions ng saligang batas.

Ang nasabi anyang probisyon ang nagiging dahilan para mapigilan ang pagpasok ng mga investments na kailangang-kailangan ngayon para makabawi sa nararanasang public health crisis.

Reaksyon ito ni Garbin sa pahayag ng tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo na si Barry Gutierrez na saying lamang ang pera at oras na igugugol dito.

“Vice President Leni Robredo’s spokesperson Barry Gutierrez is wrong in saying that our efforts at amending economic provisions in our Constitution are a waste of our people’s time and money,” saad ni Garbin.

Sa Miyerkules nakatakdang ipagpatuloy ng komite sa Kamara ang panulalang constitutional amendments.

 

 

TAGS: barry guttierez, Cha-Cha, charter change, garbin, Kamara, Robredo, barry guttierez, Cha-Cha, charter change, garbin, Kamara, Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.