Magkapatid patay sa sunog sa Quezon City

By Erwin Aguilon January 08, 2021 - 09:09 AM

Isang magkapatid ang namatay sa sunog sa Matahimik Street, Barangay Malaya, Quezon City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Marian Maxine Lee, 24 anyos at Isabel Francesca Lee, 10 anyos.

Nasugatan naman ang tatay ng mga nasawi na si Maximo Lee, 66 na taong gulang na nagtamo ng 2nd degree burn sa kanyang balikat at kamay.

Ayon sa Quezon City Fire nagsimula ang sunog dakong 5:57 ng umaga na umabot lamang sa unang alarma at ideneklarang fire out ganap na 6:32 ng umaga.

Tinatayang aabot sa P30,000.00 ang iniwang pinsala ng sunog.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa pinagmulan ng apoy sa nasabing sunog.

TAGS: magkapatid, quezon city, sunog, magkapatid, quezon city, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.