‘Go signal’ ni Pangulong Duterte sa LGUs sa pagbili ng COVID-19 vaccines, pinuri ni Sen. Tolentino
Malugod na sinang-ayunan ni Senator Francis Tolentino ang pagpayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumili ng bakuna kontra COVID-19 ang mga lokal na pamahalaan.
Ang pagbili aniya ay gagawin sa ilalim ng tripartite agreement sa pagitan ng pambansang gobyerno, LGUs, at pharmaceutical companies.
Naniniwala si Tolentino na sa naging hakbang ng Malakanyang, mababakunahan din maging ang mga wala sa prayoridad ng gobyerno at maabot ang tinatawag na ‘herd immunity.’
“The proactive approach by LGUs should not only be lauded but actively encouraged. There is more than sufficient legal basis for LGUs to procure COVID-19 vaccines for their own constituents,” sabi ng senador.
Paliwanag pa ni Tolentino, sa ilalim ng Local Government Code, ang LGUs ay maaaring gumawa ng mga hakbang para sa pagbibigay serbisyong-pangkalusugan sa kanilang mamamayan alinsunod sa mga alintuntunin at polisiya ng DOH.
Diin pa ng senador, wala sa ipinalabas na EO No. 121 ni Pangulong Duterte para sa pagbibigay ng FDA ng emergency use authorization (EUA) para sa COVID-19 drugs at vaccines, na nagbabawal sa LGUs na bumili ng kanilang mga bakuna para sa kanilang mamamayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.