Pagsasabatas ng Doktor Para sa Bayan Act, ikinalugod sa Kamara

By Erwin Aguilon January 07, 2021 - 03:34 PM

Pinasalamatan ng ilang mga kongresista ang pagsasabatas ng Doktor Para sa Bayan Act.

Ayon kay Quezon Rep. Angelina Tan, masaya siya sa pagkakalagda ng Pangulong Rodrigo Duterte sa landmark legislation na magbibigay ng medical scholarship sa mga kuwalipikadong mag-aaral.

Magsisilbi aniyang complementary measure ang Republic Act 11509 sa Universal Health Care Act upang mapalakas pa ang reporma sa health care service ng pamahalaan.

Naniniwala naman sina CIBAC Partylist Reps. Bro Eddie Villanueva at Domeng Rivera na mapagbubuti nito ang public health workforce dahil madaragdagan na ang mga doctor-to-population ratio upang makasabay sa international standards.

Sa kasalukuyan, nasa tatlong manggagamot sa kada 10,000 Pilipino ang doctor-to-population ratio ng bansa, malayo sa 10 sa kada 10,000 populasyon na World Health Organization prescription.

Sa ilalim ng batas, bibigyan ng medical scholarship at return service program ang deserving students mula sa state universities and colleges (SUCs) o private higher education institutions (PHEIs) sa mga rehiyon na walang iniaalok na medical course.

Makatatanggap ng libreng matrikula at iba pang bayarin, allowances para sa libro, supplies, equipment, clothing, dormitory, at transportation, libreng internship fees, medical board review fees, at annual medical insurance ang mga estudyanteng makakapasok sa programa.

TAGS: 18th congress, Doktor Para sa Bayan Act, Inquirer News, medical scholarship, Radyo Inquirer news, Rep. Angelina Tan, 18th congress, Doktor Para sa Bayan Act, Inquirer News, medical scholarship, Radyo Inquirer news, Rep. Angelina Tan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.