Resolusyon upang alamin ang kahandaan ng pamahalaan sa COVID-19 vaccination program, inihain sa Kamara

By Erwin Aguilon January 07, 2021 - 02:26 PM

Nais ni Marikina City Rep. Stella Quimbo na magpatawag ng hiwalay na imbestigasyon ang Kamara hinggil sa status ng COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.

Sa House Resolution No. 1455 ni Quimbo, nais nito na matiyak na walang masasayang sa pondong nakalaan para sa COVID-19 vaccination program.

Ayon kay Quimbo, dapat paghandaan ang cold storage capacity ng bansa, manpower at training na kailangan ng mga taong mapapasama sa COVID-19 vaccination program.

Kritikal din para sa pamahalaan aniya ang patuloy na pag-monitor sa programa lalo pa at hindi pa tukoy ang long-term effectiveness ng bakuna.

Binigyan diin ng kongresista na mahalagang component para sa recovery ng bansa sa pandemya ang matagumpay na vaccination program.

Kaya dapat na lahat ng mga mahahalagang hakbang para mapalakas ang implementasyon ng programa ay gawin at tiyakin ang cost-effectiveness nito para mas maraming Pilipino ang maaabot.

Dapat aniyang mayroong malinaw na plano kung paano ma-maximize ang pondong ito ngayong napaulat na nagpapatuloy ang negosasyon ng pamahalaan sa pharmaceutical firms na gumagawa ng COVID-19 vaccines.

Mahalagang matiyak din na “efficiently distributed” sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang bakuna at well-capacitated din ang mga ahensya ng pamahalaan, local government units at private sector.

TAGS: 18th congress, COVID-19 vaccination program, House Resolution No. 1455, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Stella Quimbo, 18th congress, COVID-19 vaccination program, House Resolution No. 1455, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Stella Quimbo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.