Global death toll bunsod ng COVID-19, umakyat na sa 1.89 milyon

Pumalo na sa halos 1.89 milyon ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 1,891,692 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 369,990.

Sumunod na rito ang Brazil na may 199,043 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 150,372 naman ang death toll sa India habang 129,987 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 77,346
– Italy – 76,877
– France – 66,565
– Russia – 59,951
– Iran – 55,830
– Spain – 51,430
– Colombia – 44,723
– Argentina – 43,976

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 87,640,464 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 63,132,035 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...