P300-M pondo, inilaan ng Antipolo City gov’t sa pagbili ng bakuna vs COVID-19

By Angellic Jordan January 06, 2021 - 10:01 PM

Inanunsiyo ni Antipolo City, Rizal Mayor Andrea Bautista Ynares na nakabili na ng bakuna kontra sa COVID-19 para sa lungsod.

Sa Facebook, sinabi ng alkalde na katuwang sa pagbili ng bakuna ang National Task Force Against COVID-19 at Department of Health.

Darating aniya ang mga bakuna sa taong 2021.

Aabot sa P300 milyon ang inilaang pondo para sa pagbili ng bakuna.

“Nauunawaan namin ang pangamba ng iba dahil sariwa pa sa ating mga isipan ang dulot ng side effects ng bakunang Dengvaxia,” pahayag ni Ynares.

Dahil dito, magiging boluntaryo aniya ang libreng COVID vaccination program para sa mga taga-Antipolo na nais magpabakuna.

“Nakahanda na po ang ating health team para sa target roll-out sa 3rd-4th Quarter of 2021,” aniya pa.

Paalala ng alkalde, antabayanan ang mga susunod na abiso kung paano ang gagawing implementasyon alinsunod sa guidelines ng NTF at DOH.

TAGS: COVID-19 response, COVID-19 vaccine in Antipolo, Inquirer News, Mayor Andrea Bautista Ynares, Radyo Inquirer news, COVID-19 response, COVID-19 vaccine in Antipolo, Inquirer News, Mayor Andrea Bautista Ynares, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.