Ayon sa senador, sa pagpapatayo ng ‘Pharma Zone,’ na sasailalim sa pangangasiwa ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA), magkakaroon ng mga bagong pamumuhunan at lilikha ng mga trabaho.
Aniya, sa ‘Pharma Zone,’ maaaring magawa ang mga mas murang bakuna gaya na lang ng panlaban sa COVID-19.
Sa kasalukuyan, may 55 bakuna para sa tigdas, diarrhea, pneumonia at rubella ang iniaalok na sa merkado.
Noong nakaraang buwan, isinulong ni Tolentino ang Senate Resolution No. 508, na humihikayat sa PEZA at Board of Investments na madaliin ang pagpapatayo ng pharmaceutical manufacturing zones at para na rin sa paglago ng industriyang pang-medikal sa bansa.
Naitatag noong 1991 ang 1st Bulacan Industrial City, na tinaguriang Pharma City of the North dahil matatagpuan doon ang maraming pharmaceutical companies.
Higit 60,000 ang nagtatrabaho sa local pharma industry at ito ay nag-aambag ng P146 bilyon kada taon sa ekonomiya.