Ordinansa para sa P3,000 gratuity pay sa contract of service, job order workers sa Manila City gov’t pirmado na
Inanunsiyo ni Mayor Isko Moreno na pirmado na ang ordinansa para sa ibibigay na gratuity pay para sa mga contract of service at job order worker sa Manila City government.
Alinsunod ito sa Administrative Order No. 38, series of 2020 na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa pagbibigay ng gratuity pay sa mga nasabing manggagawa.
Pinirmahan ng alkalde ang Ordinance No. 8718 para sa ibibigay na gratuity pay na P3,000.
Ibinahagi ni Moreno ang larawan ng pagpirma sa naturang ordinansa.
Nasa kabuuang P29,883,000 ang inilaang pondo para sa gratuity pay sa mga manggagawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.