MMDA chairman Danilo Lim, pumanaw sa edad na 65
Pumanaw na si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Danilo Lim sa edad na 65.
Kinumpirma ito ng Palasyo ng Malakanyang.
Sa inilabas na pahayag, inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque ang pakikiramay ng Palasyo sa pamilya, mga mahal sa buhay at kaibigan ni Lim.
“MMDA Chair Lim served the Duterte Administration with professionalism, competence and integrity. He would be dearly missed,” ani Roque.
Sinabi nito na pumanaw si Lim bandang 8:00, Miyerkules ng umaga (January 6).
Hindi naman nabanggit nito kung ano ang sanhi ng pagpanaw ni Lim.
Matatandaang noong December 29, 2020 inanunsiyo ni Lim na nagpositibo siya sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.