Contact tracing sa mga pasaherong kasabay ng Hong Kong resident na nagpositibo sa UK variant ng COVID-19, isinasagawa na ng DOH
Nagsasagawa na ng contact tracing ang Department of Health (DOH) sa mga pasaherong nakasabay ng isang residente sa Hong Kong na nagpositibo sa UK variant ng COVID-19.
Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, batay sa flight manifest ng PAL Flight PR300 ay 40 na pasahero ang sakay nito noong Disyembre 22.
Sa nasabing bilang, may dalawa aniya silang natukoy na tumutugma sa deskripsyon ng Hong Kong government na 30-anyos na babae na nagpositibo sa UK variant.
Pero sa kanilang inisyal na imbestigasyon, bago umalis ng bansa ay sumailalim sa COVID-19 testing ang dalawang ito at kapwa sila negatibo sa virus.
Sinusubukan aniya nilang tawagan ang numero ng dalawa na ito pero hindi sila ma-contact.
Nakikipag-ugnayan na rin aniya sila sa Ministry of Health pero wala paring sagot hanggang ngayon.
Nakuha na rin nila ayon sa health official ang ilang impormasyon ng 38 iba pang pasahero sa nasabing flight at magsasagawa na sila ng contact tracing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.