Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 28,382 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Miyerkules ng umaga (January 6).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 975 o katumbas ng tatlong porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
Umabot naman sa 265 ang bagong gumaling sa lungsod.
Bunsod nito, 26,635 o 94 porsyento na ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 772 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 140,875 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES