Higit 100 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Eastern Visayas
May 129 pang nadagdag sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 9:00, Miyerkules ng umaga (January 6), umakyat na sa 11,631 ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.
Sa nasabing bilang, 725 o 6.23 porsyento ang aktibong kaso.
22 residente naman ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.
Bunsod nito, umabot na sa 10,770 o 92.60 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.
Nasa 136 na ang mga residenteng nasawi o 1.17 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.