MRT-3, nakapag-deploy ng 22 train sets nang apat na sunod na araw

By Angellic Jordan January 06, 2021 - 01:32 PM

Nakapag-deploy na ng 22 train sets ang Metro Rail Transit Line 3 o MRT-3 nang apat na sunod na araw.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, naisagawa ito mula January 2 hanggang 5, 2021.

Noong December 7, 2020 itinaas sa 60 kilometers per hour ang bilis ng mga tren nito.

Bunsod ng tumaas na bilang ng tumatakbong tren at pinabilis na takbo, bumaba ang headway o waiting time sa pagitan ng pagdating ng mga tren sa 3.5 hanggang 4 minuto.

Bumaba rin ang travel time mula North Avenue hanggang Taft Avenue station sa 45 hanggang 50 minuto.

Dahil dito, mas marami nang pasahero ang naisasakay sa MRT-3.

“Sinimulan natin ang 2021 sa sunod-sunod na 22 trains running, mula rito ay lalo pa nating pagbubutihin upang makapagbigay ng mas maayos, komportable, at ligtas na transportasyon sa publiko,” pahayag ni MRT-3 Director for Operations Michael Capati.

Sa 22 tumatakbong tren, 20 ang CKD at dalawa ang Dalian train sets.

Muli pa ring pinapaalalahanan ang mga pasahero na mahigpit na sundin ang health protocols upang makaiwas sa COVID-19.

TAGS: dotr, Inquirer News, MRT 3, Radyo Inquirer news, dotr, Inquirer News, MRT 3, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.