PMA posibleng i-lockdown dahil sa pagdami ng COVID-19 cases

By Jan Escosio January 06, 2021 - 02:18 AM

Ikinukunsidera na ng PMA ang pagpapatupad ng lockdown dahil sa pagdami pa ng nagkakasakit ng COVID-19 sa loob ng Fort del Pilar sa Baguio City.

Sinabi ni AFP spokesman Maj. Gen. Edgard Arevalo na umakyat na sa 50 ang nagkasakit na kadete, sundalo at civilian employees, samantalang may apat na ang gumaling.

Pahiwatig nito, kung patuloy na madadagdagan ang kaso, maaaring magpatupad ng lockdown sa kampo.

<Base naman sa resulta ng isinagawang contact tracing, nakapasok sa PMA bubble ang COVID-19 dahil sa mga naghahatid ng mga pagkain ng mga kadete at sundalo.

Ang mga may sakit ay dinala na sa quarantine facility ng pamahalaang-lungsod at sinabi ni Sec. Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Task Force (NTF) Against COVID-19, magpapadala siya ng 2,000 RT-PCR test kits para sa mass testing sa PMA.

TAGS: COVID-19 response, Inquirer News, Maj. Gen. Edgard Arevalo, PMA, PMA bubble, PMA lockdown, Radyo Inquirer news, Sec. Carlito Galvez Jr., COVID-19 response, Inquirer News, Maj. Gen. Edgard Arevalo, PMA, PMA bubble, PMA lockdown, Radyo Inquirer news, Sec. Carlito Galvez Jr.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.