Mariing kinondena ng Commission on Human Rights ang pagkamatay ng flight attendant na si Christine Angelica Dacera.
Ayon kay Atty. Jacqueline Ann de Guia, tagapagsalita ng CHR, magsasagawa sila ng sariling imbestigasyon habang hinihintay ang toxicology reports.
“The Commission shall conduct its own investigation in coordination with local authorities to inquire about the nature of death and ensure justice for the victim,” pahayag ni de Guia.
Dapat aniya matiyak ng gobyerno ang proteksyon sa mga kababaihan
“In this regard, CHR stands for the protection of women in all fronts of life and echoes the call for justice for Christine Angelica Dacera,” dagdag pa nito.
Nagparating naman ng pakikiramay ang CHR sa naiwang pamilya ng biktima.
“This case cannot be regarded as solved until justice has already taken its due course and that the perpetrators are held to account,” aniya pa.