‘Filmfest pirates,’ aasuntuhin ng MMDA

Sasampahan ng mga kasong kriminal ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang 54 indibiduwal na hinuli ng Optical Media Board dahil sa illegal streaming, downloading at distribution ng mga pelikula na kasama sa Metro Manila Film Festival.

Paglabag sa Republic Act 8293 o ang Intellectual Property Code of the Philippines at Republic Act 9239 o Optical Media Act of 2003 ang kahaharapin ng apat sa mga nahuli katuwang ang MMFF Anti-Piracy Task Force.

May 49 pa ang mahaharap sa mga katulad na kaso sa DOJ dahil sa pagpapalabas sa social media ng mga pelikula.

“Remember: Piracy is a crime. We shall pursue these violators to the full extent of the law and we shall keep a close watch against film pirates,” sabi ni MMDA at MMFF chairman Danny Lim.

Pinasalamatan naman nito si OMB chairman Christian Natividad dahil sa mabilis na pagkilos laban sa mga lumalabag sa dalawang nabanggit na batas.

“The best way we could help our local moviemakers and producers is by not engaging in movie piracy. We urge everyone to report cases of piracy or anyone caught recording and selling MMFF entries,” sabi ni Lim.

Read more...