Travel alert order, ilalabas para sa mga suspek sa pagpatay kay FA Christine Dacera

Photo credit: @xtinedacera/Instagram

Para mapigilan ang anumang pagtatangka ng mga nakakalaya pang suspek sa sinasabing pagpatay at panggagahasa kay Christine Dacera, kikilos na ang Bureau of Immigration.

Ito ang pagtitiyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra at aniya, maaari nang makapagpalabas ng travel alert order ang Immigration Bureau kapag naisampa na sa piskalya ang mga kaso.

Sinabi pa nito, kung kakailanganin ay maaaring tumulong ang NBI sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa kamatayan ng 23-anyos na flight attendant ng Philippine Airlines.

Sa ngayon naman aniya ay masusing iniimbestigahan na ang kaso ng PNP, na inanunsiyo na rin na ‘solved’ na ang kaso dahil nasa kustodiya na nila ang tatlo sa higit 10 suspek.

Natagpuan si Dacera na walang malay sa bath tub ng inupahan nitong kuwarto sa City Garden Grand Hotel sa Makati City noong Enero 1.

Pinaniniwalaan ng Makati City Police na may ‘foul play’ sa pagkamatay ni Dacera.

Read more...