Utang nang utang para sa bakuna, pero wala pang bakuna! – Sen. Lacson

By Jan Escosio January 05, 2021 - 05:25 PM

Hiniling ni Senator Panfilo Lacson sa Department of Health o DOH at Food and Drug Administration (FDA) na magpakita naman ng ‘urgency’ sa pagbili ng mga bakuna kontra COVID-19.

Sinabi ni Lacson na may kapangyarihan ang DOH at FDA na magpalabas ng special permits para sa mga lubos na nangangailangan ng mga ito.

“Why don’t they exercise their power to issue a compassionate special permit? Their officials keep claiming they are still conducting studies. Mamamatay tayo sa ka-study eh,” sabi ng senador.

Diin niya, nakakahiya na ang nangyayari sa bansa dahil sa kapalpakan ng ilang opisyal sa pagbili ng kinakailangang bakuna.

Nabanggit din niya ang pagkilos ng pribadong sektor para lang magkaroon na ng mga bakuna sa Pilipinas.

“Isn’t it disgusting that the private sector is taking the lead to bring in vaccines? This should put the government to shame, especially considering that the Department of Finance has announced multimillion-peso loans for vaccines,” sabi pa nito.

“Nakailang loan na tayo sa vaccine, bakit hanggang ngayon wala pang vaccine?” diin pa ni Lacson sa pagsasabing ang prayoridad ngayon ay mabakunahan ang 110 Filipino.

TAGS: covid 19 vaccine, COVID-19 response, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen. Ping Lacson, Senate, covid 19 vaccine, COVID-19 response, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen. Ping Lacson, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.