Giit ni Sotto, bilang chairman ng binuong Committee of the Whole, wala siyang balak na ipatawag ang Presidential Security Group (PSG) para ipaliwanag ang pagbabakuna nila ng anti-COVID 19 vaccine mula sa China.
Sinabi pa ng senador ang tutukan ng komite ay ang balak ng gobyerno na paggasta sa inilaang P72.5 bilyon para sa pagbili at pamamahagi ng bibilhing bakuna.
“He is misinformed. I’m the chairman of the Committee of the Whole as Senate President. The topic of my hearing is the roadmap for the P72.5B for vaccines,” ayon kay Sotto.
Dagdag pa nito, “ Who in heaven’s name told him I’m calling for the PSG? I think the President is being misled.”
Una nang nagbanta si Pangulong Duterte ukol sa diumano’y balak na ipatawag ng mga mambabatas ang PSG para bigyang linaw ang mga tanong ukol sa pagturok sa kanila ng mga bakuna, na sinasabing donasyon ng China.