Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (January 5), umabot na sa 479,693 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 21,997 o 4.6 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 937 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
81.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.5 porsyento ang asymptomatic; 0.55 porsyento ang moderate; 3.3 porsyento ang severe habang 6.2 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 58 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 9,321 o 1.94 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 114 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 448,375 o 93.5 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.