PAL Express, umapela ng hustisya sa pagkamatay ni Christine Dacera

By Angellic Jordan January 05, 2021 - 04:07 PM

Photo credit: @xtinedacera/Instagram

Nagdadalamhati ang Philippine Airlines (PAL) Express sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Angelica Dacera.

Natagpuang walang malay si Dacera, na nagtatrabaho sa PAL Express, sa bathtub ng isang hotel sa Makati City noong January 1.

Idineklarang dead-on-arrival ang 23-anyos nang dalhin sa Makati Medical Center.

Sa inilabas na pahayag, umapela ang PAL Express sa mga awtoridad na tiyaking malaman ang katotohanan upang mabigyan ng hustisya ang pagkasawi ng biktima.

Sinabi pa ng kumpanya na si Dacera ay “upstanding and professional PAL Express crew member who will be sorely missed by her colleagues and friends.”

Siniguro ng PAL Express na magbibigay sila ng buong suporta sa naiwang pamilya ng flight attendant.

Matatandaang inihayag ni Police Col. Harold Depositar, hepe ng Makati City police, na mayroong mga pasa, gasgas sa braso at binti ng biktima.

Maliban dito, mayroon ding similya sa pribadong parte ng katawan ng biktima.

TAGS: Christine Dacera, Dacera case, Dacera rape case, Inquirer News, Makati Police, pal express, Radyo Inquirer news, rape with homicide case, Christine Dacera, Dacera case, Dacera rape case, Inquirer News, Makati Police, pal express, Radyo Inquirer news, rape with homicide case

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.