P1-B pondo, inilaan ng Makati LGU para sa libreng COVID-19 vaccine sa lungsod

“We are aiming for 100% vaccination in Makati.”

Ito ang naging pahayag ni Makati City Mayor Abby Binay bilang bahagi ng pagresponde lavan sa COVID-19.

Sa Twitter, inanunsiyo ng alkalde na magbibigay ng libreng bakuna kontra sa COVID-19 para sa lahat ng residente ng lungsod.

Aabot aniya sa P1 bilyon ang inilaang pondo ng lokal na pamahalaan sa pagbili ng bakuna para tiyaking walang gagastusin ang bawat residente na mabibigyan ng bakuna.

Nakikipag-ugnayan na aniya ang Makati LGU kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. at sa Inter-Agency Task Force para maisapinal ang pagbili ng mga bakuna.

“This is our number one priority for 2021,” dagdag pa ni Binay.

Suportado rin ng Makati LGU ang mga business owner na nais bumili ng bakuna para manatiling ligtas ang kanilang mga empleyado.

Read more...